5 Rules ng Pangongopya

Nakuha ko ito sa isa kong kaklase dati, ewan ko na lang kung saan niya ito nakuha. Kaya para hindi ito magmukhang “kinopya lang”, medyo iibahin ko na lang ng konti. đŸ™‚

Ang sabi nila, hindi ka raw isang tunay na estudyante kung hindi ka pa nakapangopya #Palusot; at masama raw ang pagiging maramot  #PalusotPaMore. Kaya naman, narito ang ilang mga tips sa pangongopya na ginawa ng mga expert sa *alam niyo na* #TriedAndTested #HighlyRecommended.

Rule #1 Huwag makipagtalo sa mga matatalino, tandaan mo kapit ka lang!

Minsan kasi, may mga iba diyan na nagtatanong pa ng, “Sigurado ka sa number ** ah?” o kaya nama’y “Baka naman mali itong sagot mo.” Aba, nagawa mo pang magduda eh siya na ang nag-review, siya na ang puyat, siya na ang bangag samantalang ikaw, di mo nga ginalaw notes mo eh. -_- #AbaMatinde #MedyoDemanding

Rule #2 Huwag magdalawang isip sa kinokopya, TIME IS GOLD.

Saktong sakto ito lalo na pag under time pressure ang exam. Wala nang pagdadalawang isip yan. Kaya kailangang maging mapangahas, mapagmatiyag, matanglawin! #AnimalInstinct

Rule #3 Seryoso ang mukha para kunwari may alam ka.

Dito naman magaling ang mga poker face, mga taong di mo alam kung ano ang reaksiyon na nais ipabatid ng kanilang mga mukha. Pero magmumukha ka talagang may alam kapag seryoso ka at maliit ang tsansang magdududa sila sa iyo. #SeryosongWacky

Rule #4 Huwag galaw ng galaw, baka mahalata ka.

Kung ayaw mong mabaling ang atensyon ng nagpapa-exam sa iyo, huwag kang gumawa ng eksena! Madadamay pa yung pinagkokopyahan mo. Sabi nga sa Divergent, “If you don’t know what to do, do what the others are doing”.

Rule #5 Lakihan ang sulat, tandaan mo may nangongopya din sa likod mo, share your blessings!

Huwag kang madamot, dahil sabi ni Piolo sa Starting Over Again, “Wala kang karapatang hingin ang ipinagdamot mong ibigay.” Isipin mo na lang, nakasalalay sa iyo ang buhay ng nangongopya sa iyo. #Shareeee

BUT! May isang malaking BUT!

Sa katunayan, hindi kailanman naging mabuti ang pangongopya pati na rin ang pagpapakopya…

Para sa mga nangongopya,

Matuto tayong gawin ang responsibilidad natin bilang mag-aaral, bilang tao. Wala naman sigurong rason kung bakit hindi ka makapaghahanda bago mag-exam o kung ano pa man yan. Kahit na may “chance” tayong nakikita upang makapangopya, hanggat maari ay iwasan natin ito kasi nga hindi ito mabuting gawain.Walang “forever” sa pangongopya, malay mo parang JOY lang, “abot dalawang linggo”. #MagingIndependent

Para sa mga nagpapakoya,

Kung sa tingin niyo ay nakakatulong kayo sa ginagawa ninyo, nagkakamali kayo. Huwag natin silang kunsintihin. Ibang klaseng tulong ang kailangan nila at wala rito ang pagpapakoya. #AlamNa

-theMARK-